Showing posts with label Eraserheads. Show all posts
Showing posts with label Eraserheads. Show all posts

Thursday, September 11, 2014

Huwag Kaang Matakot Lyrics - Eraserheads

I
Huwag kang matakot
'Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
'Di kita pababayaan kailan man
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita

Chorus
Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

II
Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig
Na hawak mo sa iyong kamay
Ikaw ang Diyos at hari ng iyong mundo
Matakot sila sa 'yo

Chorus
Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na magmukhang tanga
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot sa hindi mo pa makita
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot
Aahhhah

Huwag kang matakot
'Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
'Di kita pababayaan kailan man
(Repeat till fade)

Huwag kang matakot (huwag kang matakot)
'Di kita pababayaan kailan man
(Repeat till fade)



Torpedo Lyrics - Eraserheads

I
Pasensya na
Kung ako ay
Di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin
Ang aking nadarama

Chorus
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob
Para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay ipinanganak
Na torpe
Sa ayaw at hindi

II
Pasensya na
Kung ikaw ay naiinis
Ayoko na sanang
Pag-usapan pa
Kung gusto mo ay
Manood ka na lang ng sine
Di ba huwebes ngayon
Baka may bago nang palabas

Chorus
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob
Para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay ipinanganak
Na torpe
Diyan sa tabi-tabi

III
Pasensya na
Kung ako ay naiiyak
Mababaw lang talaga ang luha ko
Di ko mapigil
Ang aking damdamin
Puede bang umalis ka na
Tumutunog na ang beeper mo

Pasensya na.. ahaaaa... ohhhhhhh!!!




Wednesday, September 10, 2014

Huwag Mo Nang Itanong - Eraserheads

I
Hika ang inabot ko
Nang piliting sumabay sa'yo
Hanggang kanto
Ng isipan mong parang Sweepstakes
Ang hirap manalo

Refrain I
Ngayon pagdating ko sa bahay
Ibaba ang iyong kilay
Ayoko ng ingay

Chorus
Huwag mo nang itanong sa akin
Diko rin naman sasabihin
Huwag mo nang itanong sa akin
At di ko na-iisipin

II
Field trip sa may pagawaan ng lapis
Ay katulad ng buhay natin
Isang mahabang pila
Mabagal at walang katuturan

Refrain II
Ewan ko Hindi ko alam
Puwede bang huwag na lang
Natin pag-usapan

Chorus
Huwag mo nang itanong sa akin
Diko rin naman sasabihin
Huwag mo nang itanong sa akin
At di ko na-iisipin

(Adlib)

Refrain II
Ewan ko Hindi ko alam
Puwede bang huwag na lang
Natin pag-usapan

Chorus
Huwag mo nang itanong sa akin
Diko rin naman sasabihin
Huwag mo nang itanong sa akin
At di ko na-iisipin (2x)


Magasin Lyrics - Eraserheads

Ohhhh... Ohhhh.. Ohhhh....

I
Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang iyong suot at, buhok mo'y green
Sa isang tindahan, sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa iyong kagandahan

Naalala mo pa ba noong tayo pang dalawa
'Di ko inakalang sisikat ka, tinawanan pa kita
Tinawag mo 'kong walang hiya, medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon... Hey!

Chorus
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema pagka't kulang ang dala kong perang
Pambili... ohhh... pambili sa mukha mong maganda

II
Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado, damit na gawa ni Sotto
Siguro'y malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe... Kasi!

Chorus
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema pagka't kulang ang dala kong perang
Pambili... ohhh... pambili sa mukha mong maganda

III
Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat hindi ko napansin
Bastos pala ang pamagat, dalidaliang binuklat
At ako'y namulat sa hubad na katotohanan... hey!

Chorus
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema pagka't kulang ang dala kong pera... hey!

Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sayo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema pagka't kulang ang dala kong perang
Pambili... oooh... pambili sa mukha mong maganda

Coda
Nasan ka na kaya
Sana ay masaya
At sana sa susunod na isyu
Ay centerfold ka na...... ahhh... ahhhh.. ahhhhh...

Ohhhh... Ohhhh.. Ohhhh....




With A Smile Lyrics - Eraserheads

I
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Refrain I
Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

II
Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.

Refrain II
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

(Instrumental)
(Too do do do doo..) Let me hear you sing it
(Too do do do doo...)

Refrain II
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

III
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

(Too do do do doo..) Let me hear you sing it
(Too do do do doo...) Ahaaa....... Ahaaa.... Ahaaa..........
(Too do do do doo...) 
(Too do do do doo...) 
(Too do do do doo...)  Ahaaa....... Ahaaa.... Ahaaa..........
 Hmmmm......Hmmmm.... Hmmmm.....






Alapaap Lyrics - Eraserheads

May isang umaga, na tayo'y magsasama
Haya at halina sa alapaap
O, anong sarap, haa...

I
Hanggang sa dulo ng mundo
Hanggang maubos ang ubo
Hanggang gumulong ang luha
Hanggang mahulog ang tala

Chorus
Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama?

II
Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya
Hindi mo na kailangan humanap ng iba
Kalimutan lang muna
Ang lahat ng problema
Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na
Handa na bang gumala

(Instrumental)
Pap-pa-rap... pap-pa-rap-pa...
Pa pa pa pa (papapapa...)
La-la-la... oooh hoo hoo...

III
Ang daming bawal sa mundo (Ang daming bawal sa mundo)
Sinasakal nila tayo (Sinasakal nila tayo)
Buksan ang puso at isipan (Buksan ang puso at isipan)
Paliparin ang kamalayan (Paliparin)

Chorus
Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama?

Gusto mo bang.. (gusto mo bang..)
Gusto mo bang.. (gusto mo bang..)
Gusto mo bang.. (gusto mo bang..)
Gusto mo bang.. (gusto mo bang..)
Gusto mo bang.. (gusto mo bang..)
Gusto mo bang.. (gusto mo bang..)
Gusto mo bang.. (gusto mo bang..)
Gusto mo bang.. (gusto mo bang..)
Sumama?




Ang Huling El Bimbo Lyrics - Eraserheads

I
Kamukha mo si Paraluman
No'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Chacha

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

Refrain I
Pagkagaling sa 'skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Chorus
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay

II
Naninigas aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng 'yong mga mata

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso, hooh

Refrain II
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo, hoh
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

Chorus
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay

(Instrumental) La la la la, la la, la la, la la la.....

III
Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita, hah

Refrain III
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

Chorus
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay (2x)

Solo
La la la la, la la, la la, la la la (4x)




Sembreak Lyrics - Eraserheads

I
Dear kim kamustang bakasyon mo
Ako heto pa rin nababato
Bad trip talagan 'tong Meralco
Bakit brownout pa rin dito

Walang silbi sa bahay
Kundi bumabad sa telepono
O kaya'y kasama ang buong barkada
Nakatambay sa may kanto

Chorus
Naalala kita pag umuulan (SEMBREAK..)
Naalala kita pag giniginaw (SEMBREAK..)
Naalala kita pagkakain na (SEMBREAK...)

Naalala kita ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na bawat oras binibilang
Sabik na masilayan ka-aha-hah...

II
Sira pa rin ang bisikleta
May gas wala namang kotse
Naghihintay ng ulan
Basketball sa banyo

Sana ay may pasok na para at least
Meron akong baon
Cutting classes dating raket
Rock and roll buong taon

Chorus
Naalala kita pag umuulan (SEMBREAK..)
Naalala kita pag giniginaw (SEMBREAK..)
Naalala kita pagkakain na (SEMBREAK...)

Naalala kita ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na bawat oras binibilang
Sabik na masilayan ka-aha-hah...

(Instrumental)

III
Walang kayakap kundi gitara
Nangangati sa kaiisip sa'yo
Hanggang sa mabutas 'tong maong ko
Tsaka bibili uli ng bago

Hanggang dito na lang ang liham ko
Salamat sa atensyon mo
Tsaka na lang pala yung utang ko
Pag nagkita na lang uli tayo oh wohh

Chorus
Naalala kita pag umuulan (SEMBREAK..)
Naalala kita pag giniginaw (SEMBREAK..)
Naalala kita pagkakain na (SEMBREAK...)

Naalala kita ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na bawat oras binibilang
Sabik na masilayan ka-aha-hah...

Naalala kita (SEMBREAK..)
Naalala kita (SEMBREAK..)
Naalala kita (SEMBREAK..)
Naalala kita (SEMBREAK..)
Naalala kita (SEMBREAK..)
Naalala kita (SEMBREAK..)
Naalala kita (SEMBREAK..)






Kailan Lyrics - Eraserheads

I
Kailan mo ako hahagkan
matagal na akong naghihintay
nakadungaw sa bintana
mga dahon lang ang kumakaway

Refrain I
Kailan ko madaramdaman
pagdampi ng iyong labi
tinatanong ko ang mga bituin
mga luhang humahalik sa aking pisngi

II
Kailan ako tatahan
higpit ng yakap ng dibdib
nakatingin ako sa salamin
may guhit sa noo
mapait ang ngiti

Refrain II
Kailan ko masisilayan
sa araw-araw aking mahal
mula paggising hanggang sa pag-idlip
kagandahan mong walang patid...

III
Kailan mo ako hahagkan
matagal na akong naghihintay
nakadungaw sa bintana
mga dahon lang ang kumakaway

Refrain III
Kailan ako lalaya
sa anino ng pag-iisa
mga rehas lang ang tanaw
nanginginig sa seldang maginaw




Overdrive Lyrics - Eraserheads

Alam mo mayron akong pangarap sa buhay
sana matupad na

I
Mag-da-drive ako hanggang Baguio
mag-da-drive ako hanggang Bicol
mag-da-drive ako hanggang Batangas
tapos magswi-swimming doon sa beach

II
Isasama ko ang girlfriend ko
isasama ko kahit sinong may gusto
kahit may kasama siyang aso
basta't meron siyang ba-ong sariling buto

III
Mag-dadala ako ng pagkain
burger fries tapsilog at siopao
mag-da-drive ako hanggang Visayas
mag-da-drive ako hanggang sa Mindanao

IV
Mag-da-drive ako buong taon
mag-da-drive ako habang buhay
mag-da-drive ako hanggang buwan
please please lang turuan nyo
akong magdrive

Bridge
Gusto kong matutong mag-drive (kahit na wala akong kotse)
gusto kong matutong mag-drive (kahit na walang lisensya)

Mag-drive....drive...drive ....
mag-drive...mag-drive
drive...drive...drive...drive




Minsan Lyrics - Eraserheads

I
Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
sa ilalim ng iisang bubong
mga sekretong ibinubulong
kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo

Refrain
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan

Chorus
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan

(Instrumental)

II
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
sa ilalim ng bilog na buwan mga tiyan nati'y walang laman
ngunit kahit na walang pera ang bawat gabi'y anong saya

Refrain
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan

Chorus
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan

III
Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
kahit na anong gawin lahat ng bagay ay merong hangganan
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan

Ngunit kung sakaling mapadaan baka
ikaw ay aking tawagan
dahil minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan

Solo.. Fade



Toyang Lyrics - Eraserheads


They tried to tell us where too young
Too young to really be in love

I
Bahay namin maliit lamang
Pero pero pero malinis 'to pati sa kusina
Kumain man kami laging sama-sama
Pen-pen-pen de sarapen
De kutsilyo de almasen
Haw-haw-haw de karabaw
De karabaw de batuten

Refrain
Pengeng singko pambilbi ng puto
Sa mga tindera ng bitso-bitso
Sky Flakes, Coke 500 pahingi ng kiss
Ang bayad mo sa jeepney kulang pa ng diyes

Chorus
Mahal ko si Toyang
Pagkat siya'y simple lamang
Kahit namomroblema
Basta't kami ay magkasama

II
Madalas man kaming walang pera
Makita lang ang kislap ng kanyang mga mata
Ako ay busog na at nakatambay kami sa Tandang Sora    
Yoww... Shake it!!

(Instrumental)

Bridge
Ti ayat ti maysa nga baro
Ken balasang natalna
Uray man, uray man, uray man
Haan unay nga nadonya

III
Bahay namin maliit lamang
Pero pero pero malinis 'to pati sa kusina
Kumain man kami laging sama-sama
Pen-pen-pen de sarapen
De kutsilyo de almasen
Haw-haw-haw de karabaw
De karabaw de batuten

Chorus
Mahal ko si Toyang
Pagkat siya'y simple lamang
Kahit namomroblema
Basta't kami ay magkasama

Toyang, oh Toyang
Please, pakinggan mo ko
I will always be true to you

We were not too young at all




Tuesday, September 09, 2014

Pare Ko Lyrics - Eraserheads

I
Pare ko meron akong problema
Wag mong sabihing na naman
In-lab ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan

Refrain I
Wag na nating idaan
Sa maboteng usapan
Lalo lang madaragdagan
Ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

II
Anong sarap
Kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala haggang dun lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa

Refrain II
Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin

Chorus
O, Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba, 'tang - ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to
Diyos ko, ano ba naman ito.. ohhh .. ohhh... ohhh....

Adlib: (Instrumental)

III
Sabi niya ayaw niya munang magkasyota
Dehins ako naniwala
Di nagtagal, naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya

Refrain III
Ba't ba ang labo niya
Di ko maipinta
Hanggang kelan maghihintay
Ako ay nabuburat na

Bridge
Pero minamahal ko siya
Di biro, T.L. ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo..

IV
O pare ko (o pare ko), meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okey lang (kung wala ay okey lang)
Kailangan lang (kailangan lang) ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na (andito ka ay ayos na)

Refrain IV
Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin

Chorus
O, Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba, 'tang - ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to
Diyos ko, ano ba naman ito

O, Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba, 'tang -ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to
Diyos ko, ano ba naman ito..........ooohhh... ohhhhh.. ohhhhhhhh......



Ligaya Lyrics - Eraserheads

I
Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapacute sayo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko?
Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

Refrain I
Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay na ,

Chorus
Ligaya at asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya

(Instrumental..) Oooh... ooooh... ooooh...

II
Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko?
Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko?
Di naman ako manyakis tulad nang iba
Pinapangako ko sa iyo na igagalang ka

Refrain II
Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay na ,

Chorus
Ligaya at asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay na tahimika'at buong ligaya

(Repeat Chorus 4x )